フィリピン人の笑いについての五編パオロ・ティアウサス
- タガログ語
- テキスト
- 詩
フィリピンの「笑い」をめぐり、伊藤亜紗さんと対談した詩人のパオロ・ティアウサスさんによる作品「フィリピン人の笑いについての五編」。日本語翻訳版の後にタガログ語オリジナルを掲載しています。英語版は言語切り替えタブからご覧ください。
泣き笑い
泣かせる出来事がなければだれも泣かない
でも笑わせる出来事がなくても笑う人はいる
我々の伝統では、歴史とは
真実を隠すこと
大切ではないという事実を、たとえばそれは
最初の部族長が笑ったということ
ヘルメットをかぶった人たちの姿をみて
植民者たちはなぜあんな物をかぶるのか?
あまりにも腹が減って、鍋をかぶっていると。
または、ある司祭が初めて姿を見せず
毎週日曜日の大切な説教をすっぽかしたとき:
町の広場ではある噂がひろがった
ヤモリの卵を料理に入れるスパイスと勘違いしたと。
子供たちは密かに賭けをした
あの司祭に尻尾が実際に生えるかどうかを。
幾人かの娘たちが昼寝の時間に落ち合って
ことわざを面白可笑しく作り変えて披露した。*1
もしあんたが馬だったら、草は何の役に立つのか。*2
忍耐強く待ったとしても、やはり煮物は嫌いよ。*3
掛け毛布が短いのは、あんたの背が高いからよ。*4
でも一番人気は:あんたが石をぶつけられたら、
錆びたハンマーを投げ返してやりなさい。*5
つまり、おそらく誰も笑っていないから
緊張が高まり、戦争が始まる
でも確かとは言えない。カティプネロ(革命軍兵士)の一人ぐらいは
最後の冗談の一つでもひねり出してやろうと
その指を引き金に掛ける前に考えたはずだ。
緊張で裏返った声を聞けば、くすりとしてしまうのは普遍的だ、
それは傲慢な将軍や兵士のものであればなおさらのこと。
征服者のためのジョーク集。
裏切者のための新しい笑い。
この苦難の章は終わらないのだ
泣き笑いの変容なしには。
我々は歯を食いしばって唾を吐きながら
この抑圧的な第三世界の
行き当たりばったりの
誓いとともに生きている
まるで光が何千年も前に死んだ星々を
今も照らし出すように、
何かを証明するように
聞いている誰かに、
ごめん下さい、ノック、ノック、ノック
これは冗談なんかじゃありません、
でも私は笑ってしまうのです。ノックしながら。
Iyak-Tawa
Walang iiyak kung walang nakakaiyak
pero may tatawa kahit walang nakakatawa.
Sa ating nakasanayan, ang kasaysayan
ay pagkubli ng katotohanang tinuringang
hindi mahalaga, halimbawa,
ang halakhak
ng unang datu na nakakita ng suot na helmet
ng bisitang kolonisador—bakit ganoon?
Sobrang patay-gutom, nagsuot ng kaldero.
O kaya, noong unang beses na hindi sumipot
ang pari sa kaniyang lingguhang sermon:
ang sabi-sabi sa plaza, akala’y pambudbod
sa ulam ang nakitang mga itlog ng butiki.
May palihim na pustahan ang mga bata
kung tutubuan ng isang buntot ang kura.
May ilang dalagang nagkikita tuwing siesta
upang timplahin ang balikong salawikain.
Aanhin pa ang damo, kung ikaw ang kabayo.
Kahit magtiyaga, ayaw ko pa rin ng nilaga.
Kapag maiksi ang kumot, e ’di matangkad ka.
At ang paborito: kapag binato ka ng bato,
batuhin mo ng kinakalawang na martilyo.
Ibig lang sabihin: marahil walang tumatawa
noong dumidiin ang tensiyon, ang giyera,
pero hindi tayo sigurado. May kahit isang
katipunero na mamimilit ng huling hirit
bago ipahinga ang hintuturo sa gatilyo.
Unibersal ang kiliti sa seryosong pumiyok,
lalo kung mayabang na heneral o sundalo.
Isang lexicon ng biro sa bawat mananakop.
Isang bagong halakhak sa bawat traydor.
Hindi lalampas ang mahapding kabanata
ng wala ang metamorposis ng iyak-tawa.
Tumatawid lang tayo sa buwisit at ligalig
ng mapang-aping pang-ikatlong-daigig
na tiyamba
pero nabubuhay tayo sa taglay
na pangako ng tawanan na tila liwanag
ng bituing ilang milenyo nang pumanaw,
tila patunay sa
sino man na nakikinig,
tao po, tao po, tao po.
Hindi po ito biro,
pero natatawa ako. Tao po.
注釈
*1-原文ではbalikong salawikain(「ひねったことわざ」の意)。フィリピン文化における言葉遊びの一つ。通常は教訓や道徳を伝えることわざを、皮肉や逆説、ネガティブな心理を面白おかしく表現したもの。
*2-元のことわざは、Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo。馬が死んでしまったら、草があっても何の役に立つのか。つまり、手遅れになってから対策や支援をしても意味がないということ。後の祭り。
*3-元のことわざは、Kung may tiyaga, may nilaga。忍耐があれば煮込んだ物が食べられる。つまり、努力は報われるの意。
*4-元のことわざは、Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot。毛布が短ければ身を縮めよ。身の丈に合った生活をせよの意。
*5-元のことわざは、Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay。石を投げられたらパンを投げ返せ。悪意には善意で応じよの意。
笑い飛ばすだけ
ただ笑い飛ばすと決めるに至った歴史を理解するよりも。
ジプニーの運賃のおつりを年配の運転手からもらうよりもただ笑う方がいい。
横断歩道を渡っていた犬を轢きそうになったバイクを追いかける代わりに、ただ笑うだけ。
お酒はだめだと言う代わりに笑おう。昔のつけを返せと言う代わりにただ笑うのだ。
そんな言葉は使わないようにしようと友人に忠告する代わりにただ笑おう、
また、我々に託された秘密を危険にさらさぬように笑うだけにしよう。
笑うことは諦めるよりずっといい。戦略も持たないやつだと間違われるよりも笑う方がいいし、
永遠に荒ぶったりしない者たちの手に自分の未来を託すよりも。
笑うことは不幸であるよりもずっといい。幸せは笑うこととは同等になりえないから
心の中で残酷な海の説教や転覆寸前の船や稲妻、悪魔や渦潮を何度も聞かされる代わりに笑い飛ばそう
毎晩、柔らかいトマトが潰されるように脳がズキズキと痛む間も。
真剣になるより笑い飛ばす、それは真剣に受け止められないように笑い飛ばすことではない。
別れの辛さを飲み込む代わりに笑うのだ。また、笑うだけにしよう、
泣き部屋から飛び出そうとする翼のある心臓を撃ち抜く代わりに。
自分がどれだけ親たちを一生懸命に愛しているかを告げる代わりに笑い飛ばすのだ。
泣くよりも笑うのだ。肉や果実や鉛筆になるより、宛名のない封筒になるより
タイヤの穴になるよりも、高架橋に捨てられたぬいぐるみになるよりも、笑っている方がましだ。
笑うことは、神に逆らうよりも、友人に逆らうよりも、また、君の権利を認めない世界とその触手に立ち向かうよりもましだ。
笑うことは銃や爆弾になるよりいい。また笑われるよりもいい。脂肪のついた心臓が発作を起こすよりも。
笑うことは、ただ笑ってしまうよりもいい。笑うことは嵐と暗闇、過去と未来、炎と塩が同時に存在する川に浮かぶ紙の船よりもずっといいし、笑うことは、噂話になることよりも、沈黙することよりもずっといい。
笑うことは、ほとんど詩のような状況になるよりもいい。泡のように消えてしまうよりもずっといいのだ。
Tawa na Lang
Kaysa unawain ang isang kasaysayang nailuwal bago magdesisyong tumawa na lang.
Tawa na lang kaysa hingiin kay Tatang ang sukli sa jeep. Tawa na lang kaysa sitahin
ang motor na muntik nang mabundol iyong aso na tumatawid sa pedestrian lane.
Tawa na lang kaysa humindi sa alak. Tawa na lang kaysa singilin ang lumang utang.
Tawa na lang kaysa sabihan ang kaibigan na hindi na tayo gumagamit ng ganyang
mga salita, tawa na lang kaysa malagay sa peligro ang mga lihim na ipinagkatiwala.
Tawa na lang kaysa sumuko. Tawa na lang kaysa mapagkamalang walang diskarte,
kaysa iasa ang kinabukasan sa mga kamay na hindi kailanman naging magaspang.
Tawa na lang, kaysa naman hindi masaya. Hindi naman sa magkatumbas ang saya
sa pagtawa. Tawa na lang kaysa marinig na naman ang sermon ukol sa mga dagat
sa isip, ang mga barkong nanganganib tumaob, ang mga kidlat at mga halimaw at
mga uliuli habang sa gabi-gabi napipisa ang ulo hanggang sa kumatas tila kamatis.
Tawa na lang kaysa maging seryoso, na ibang-iba sa tawa na lang kaysa seryosohin.
Tawa na lang kaysa lunukin ang bato ng hiwalayan. Tawa na lang kaysa tiradurin
ang pusong nagkapakpak at pumapagaspas palayo rito sa iniiyakang palikuran.
Tawa na lang kaysa sabihin sa magulang ko na mahal na mahal na mahal ko sila.
Tawa na lang kaysa umiyak. Tawa na lang kaysa maging karne o prutas o lapis
o sobreng tanging patlang ang nakasulat kaysa sa kahit anong address, tawa na lang
kaysa maging butas ng gulong, tawa na lang kaysa maging inabandonang stuffed toy
sa overpass. Tawa na lang kaysa hamunin ang diyos. Tawa na lang kaysa hamunin
ang mga kaibigan. Tawa na lang kaysa hamunin ang mundo at ang mga galamay nito
na hindi kinikilala ang karapatan mo. Tawa na lang kaysa maging baril, maging bomba.
Tawa na lang kaysa mapagtawanan ulit. Tawa na lang kaysa atakihin ng taba sa puso.
Tawa na lang kaysa tumawa na lang. Tawa na lang kaysa maging papel na bangkang
pumapalaot sa ilog na sabay nang bagyo at dilim, sabay nang nakaraan at kinabukasan,
sabay nang apoy at asin. Tawa na lang kaysa maging alingawngaw, kaysa manahimik.
Tawa na lang kaysa maging halos tula. Tawa na lang kaysa maging bula.
何も面白いことがない時
人に養子に出されている妖怪ティクバラン、
司法試験に落ちた受験者に向けられた
祝福の言葉が書かれた横断幕、
苔むした一片、悪意に満ちた契約書に
書かれた署名、置かれた古いハンマーは
曲がった釘で優しくも首を切り落とされており、
ゆがんだやかんは
取っ手が壊れて中身がこぼれ
すでに痛む腕がやけどする
交通整理員がいれば、抜き打ちの消防訓練もあり、
空腹のうなり声もすれば、泣き叫ぶカラスも、
野原で銃の引き金が引かれる音も聞こえ、
でも何も面白いことがない時には、
握って支えてくれる手があり、乾いた階段も
いつも濡れてすべりそうな道の間にあり、
冷蔵庫には残りのスープ料理がまだ入っていて、
蛇口から落ちるしずくは歌を奏でて
いろいろな請求書の支払いを思い出させ、
新しいジャケットと穴の開いた靴下があり、
ベンチの横には葉っぱも落ちてきて、
傘もあるし、母さんが買って帰ったリンゴもあるが、
古い薬局で買った薬もある、
ボーナスも残業代も手元にある
部屋にいた幽霊もついに休暇に入り、
そして若い娘が冗談の核心を準備する:
何も面白いことがない時にはいつも……
Tuwing Walang Nakakatawa
May pinapaampon na tikbalang,
may binabalandrang congrats na tarpolin
sa hindi pumasang maging abogado,
may lumot, may lagda sa kontratang lubos
ang pagkagahaman, may lumang martilyo
na mapupugutan ng balikong pako,
may takureng butás at matatanggalan
ng bandáng hawakan kaya matatapon
ang lamang likido sa ngawít nang braso,
may traffic enforcer, may biglaang fire drill,
may ugong ng gutom, may daing ng uwak,
may kakalabiting gatilyo sa bukid,
pero tuwing wala nang nakakatawa,
may kamay pangsagip, may natuyong hagdan
doon sa daanang laging nanganganib,
may tirang sinigang doon sa pridyeder,
may awit ang tubig sa patak ng gripong
nagpapaalala ng mga bayarin,
may bagong pangginaw at butas na medyas,
may dahong dadapo sa tabi ng bangkô,
may payong, may uwing mansanas ang nanay,
may nabiling gamot sa lumang botika,
may 13th month pay na, may bayad ang OT,
naka-leave sa wakas ang multo sa silid,
may dalagang handang magbitiw ng hirit:
at sa tuwing wala nang nakakatawa . . .
まず笑うべきだったのに
まずここからは、午後のコマーシャルをいくつか紹介しよう
恐ろしいほどに秩序立った目覚めた世界からの。その横断歩道は
単なる提案なのだ。可能な限り、人々はその線を踏み越える
何らかの目安を示すはずの線を。また彼らはわざと
キャンディーの包み紙を側溝に押し込む、まるで
そこの悪臭を塞ぐかのように、まるで自然と人類の間の
恣意的な争いに加担するかのように。小学生の男の子二人は
人のポケットから財布を盗み、命がけで逃げることを学んでいる。
店員が普段は礼儀正しい年配の女性客に呆れたような視線を送る。
あるバイクが仲睦まじく歩いているカップルの片方にぶつかると
あわや乱闘騒ぎになりそうだ。風船の束や豆腐のプリンを売る人、
盲目の人がいて、高級車の窓を叩く音がする
エドサ大通りとオルティガスの交差点、教会の前ではある叫び声があがる
携帯電話でそれを動画に収めている人がいる
近くの高架橋の上で一人の男が吐き出した唾が
売り物のパンケーキを入れたかごを持つ女の傘に飛び散る。
まさにそんな季節だ。後でわれわれはインタビューするつもりなのだ
ビナゴナン地区からビクータン地区まで通勤する労働者に
毎朝、毎晩、ジプニーで移動する労働者にこう尋ねるのだ
弾丸のように疾走するジプニーに対して路上での取り締まりから免れ
事故統計に載らないように走ってくれとただ願う以外にどんな夢があるのかと
それよりも前に、われわれはニンニクと一緒にローストしたピーナッツを食べよう、
海藻ゼリーの入った飲み物が付くと幸運に感じる。しかし、その前に、持ち物を確認し
バッグの中に入れたはずの鍵を何度も念入りに確認し
小銭が抜けていないか確かめる。しかしその前に、
小銭入れや財布の感触が感じられないことに一瞬不安に襲われる。
しかし、それらの前に、自分たちはもう二度と笑えないかもしれないとふと考える。
Inuna ang Tawa
At ngayon, ilang patalastas panghapon mula sa nakagigimbal
na kaayusan dito sa lupang ibabaw. Nananatiling mungkahi
ang mga tawiran. Hangga’t maaari, sinasaway ang linyang
nagtatakda ng kahit aling dapat sundan. Sadyang sinusuksok
ang mga pinambalot sa butas sa alulod, tila ba kinukulong
doon ang sangsang, tila ba nalinlang ng artipisyal na hidwaan
sa pagitan ng tao at kalikasan. Dalawang bata sa elementarya
ang natututong manghablot mula bulsa, natututong tumakbo.
Iirapan ng tindera ang magalang naman sanang matanda.
Mabubundol ng motorsiklo ang kalahati ng magkasintahan,
muntik pa ngang maging sapakan. May nagbebenta ng lobo,
may naglalako ng taho, may bulag, may kumakatok sa pinto
ng SUV sa interseksiyon ng EDSA at Ortigas, may sumisigaw
mag-isa sa harap ng simbahan, may nagtututok ng cellphone.
May lalaking dudura mula sa overpass at sasalpak ang laway
sa payong ng aleng may bayong ng ibebenta pang bibingka.
Ganoong lagay ng panahon. Makakapanayam natin mamaya
ang isang manggagawang bumibiyahe pa mula Binangonan
hanggang Bicutan araw-araw at gabi-gabi, tatanungin natin
kung may mga pangarap siya maliban sa matuling jeepney
na hindi tinatablan ng enforcer o estadistika ng aksidente.
Bago iyon, magmemeryenda muna tayo ng adobong mani,
suwerte kung may gulamang katabi. Bago iyon, kakapain
ilang beses ang susi sa bag, sisisirin nang maigi sakaling
may nakaligtaang barya. Bago iyon, panandaliang kikitlin
ng ligalig noong hindi maapuhap ang coin purse at pitaka.
Bago iyon, bahagyang iisipin na hindi na muling tatawa.
笑う勇気
君たちと同じように、私も破滅の道を歩む、
希望の翼を解き放つ笑いを携えて
1個の原子よりも鋭いくちばしを持つ希望とともに。
君たちと同じように、私もこの苦しみのサイクルに慣れきっている
そしてこの宇宙の宝くじに賭けている
決して賞金を分け与えない、使い捨ての讃美歌でさえも分け与えないのに。
そして君たちと同じように、私もここで大波に圧倒されている
広大な空に拡がる星々の最後のメッセージを消し去り、
まるで電灯のように月のスイッチを点けたり消したりして、
この街はただの幻影へと姿を変える。
この壮大な万物の折り畳みにふさわしい告白もたくさんあれば、
ガラス瓶にしまっておくべき後悔や
折り紙のように畳んでポケットにしまっておくべき後悔もたくさんあれば
まだ自分で成し遂げていない復讐もたくさんある
だから究極の自制を後悔するだろう。
しかし、再び言うが、このような不幸な運命はよくあることで、
手足を落ち着かなくさせ、関節を痛みで包み
頭皮をかさぶたで血まみれにする夢は
夜にするうたた寝のようにありふれたものだ。そして率直に言うと、
もしこれが、不条理なゲームを嘲る
一篇のちっぽけな詩への罰だとしたら拍子抜けだ。
自分が恐れを抱くべきことはまだ何も聞いていない。
君たちと同じように、私も誇れるような墓石は持っていない
将来に、万が一、何かあった時のために
次のように墓標に刻んで欲しい:「彼は勇気をもった人間として、
笑う勇気を持った人間として亡くなった。ははは、だってそういう時代だったから」
Nakuha Talaga Tumawa
Tulad niyo, binabagtas ko ang landas ng wasák,
tangan-tangan ang pagtawang lunsaran ng pakpak
ng pag-asang matalim pa sa iisang atomo ang tuka.
Tulad niyo, beterano’t sawa ako sa siklo ng pagsubok
at pagtaya sa kosmik na laro ng lotto na ni minsan
hindi pa nagbalato kahit ilang tira-tira na salmo.
At tulad niyo, tulala rin ako rito sa gatore na alon
na binubura sa langit ang huling mensahe ng bituwin,
pinipitik ang pihitan ng buwan tila ba lamparang
de-kuryente, ang lungsod nagiging suhestyon na lang.
Maraming dapat aminin sa ganitong pagtitiklop
ng lahat ng bagay na umiral, maraming panghihinayang
na hahanapan ng garapon o kaya itutupi na origami
sa bulsa, maraming ganti na hindi ko pa nakakamit
kaya pagsisisihan ang hanggang dulong pagtitimpi.
Subalit, muli, pamilyar naman itong tadhanang malas,
kasingkaraniwan lang ng idlip sa gabing kauunat
sa panaginip ay magâ ang kasu-kasuan at mamalasing
may tuyong dugo sa anit. Sa pinakamadaling salita,
nakakaumay kung ito na iyong hagupit na isusukli
sa unang taludtod pa lang na laro ng biro’t uyam.
Wala pa akong naririnig na dapat kong katakutan.
Tulad niyo, wala akong lapidang maipagmamalaki
sa kinabukasan, pero kung sakali at magkataon man,
pakilagay na lang: yumao siyang tao at nakuha pa
mag-hahaha, hahaha kasi noon ay ganoon talaga.